Tuesday, April 10, 2012


Kahapon nag gym ako after days of being buried sa my work. Adjustment pa rin sa pag hahawak ng tao. Usually after I take calls or my shift I can go home right away. Pero ngayon 8 hours na akong OT ty and take note isang araw lang  yun ha.
Mabalik lang ako sa gym. Pagkatapos kong pag pawisan sa ilang routine para sa chest ay nalapit ako sa mga machine ng pag warm up. Tanaw dun yun foot brigde. Mula ng maibaling ko ang aking tingin sa gawin tulay at halos di ko na mapigilan tumingin. I was hoping someone would pass by para Makita ko. Walang tao sa mga stationary bike o sa tread mill. At wala rin dumaan para Makita ko. Nasira ang concentration ko mag gym. Nawala yun pag nanais kong mag back exercise. Nawala yun sigla kong makabalik sa gym.
Pass 8pm na akong nakalabas ng gym pagkatapos ng 2 oras ng buhat. Di rin ako nakapag boxing na laging kong ginagawa after my gym workouts.
Balik naman ako sa down syndrome. Balik naman sa lonely life.
Naalala ko yun sabi sa Donyi ang naghahangad daw ng langit ay syang di mapagkakatiwalaan. Totoo nga. Pero paano ko naman mailalapit yun kasabihan yun sa pag nanais kong mahalin? Sobrang ba akong nag nanais makahanap ng relasyon at kung sino ang nasa paligid at malapit ay pinapansin ko? I once said to myself na flirt ako. Medaling akong mafall sa isang tao.
Weakness ko na siguro ang maging friendly. Madalas di ko na mabalance kung hanggan saan ko pipihit para ma set ang limitasyon ng salitang pagkakaibigan at ka-ibigan.
Tanga ako sa love at tanggap ko na yun. Im sure matuto rin ako. Sana malapit na.
Again im writing my thoughts. A way of releasing the frustrations, the pain, emotions I wanted to burst out.
I miss my friends. Si Mar pag nasa gym kami di ako makabuhat ng maayos kasi lagi na lang akong tatawa kahit serious mode na sya. Si King na laging pinatatawa rin ako. No effort talagang hahagalpak ako sa tawa. Mababaw na joke pero yun mga biro nila mula sa tunay na buhay pawang nangyare sa kanila o sa kakilala nila. I guess nararamdaman nila yun unspoken pain and pity ko sa sarili ko.
Tama madalas ngayon na maawa ako sa sarili ko. Months back I and myself talked that we will not do things that later would cause us grave pain. Pero tanga talaga si ethel booba na later on naging Anne Curtis as her role on no other woman.
I don’t reserve anything for myself to keep. I just wanna make sure that special someone will feel the love I have. This is my thought. And censorship within the boundaries of my notebook screen is unacceptable. However I set my limitations. No sex stories. No bragging how beautiful I will become just to showcase my qualities to attract readers and let them feel inferiors.
I miss him. Si chonut. Miss ko na malapit sya sa akin. Yun mangangagat na sobrang masakit pero di ako makakaangal. Pero mas masakit isipin na di sya magiging akin. At sa mga nadiscover ko. I AM IN NO POSITON TO JUDGE NOR TO SAY WHAT IS TRUE AND FALSE. Pero sa akin lang at sa tanang akin lang. I once said in a drinking session in this kind of relationship (homo relationship) there is no love, only common ground, common interest, convenience. I still stand by my word. I’ve seen some relationship like that to support my claim. And sad to say I became once part of their history.
I how on earth can you boost on your FB wall you have kept a relationship for 11 year or even 2 years. When you and people around you knew what are the stuffs you’re doing behind your partner’s absence. Worse you cant even admit that your living with the man you called your love?
Am I sour grapping? Bitter ako? Partly first cause I was once a victim of deception. Personally I cant accept it. Though I know bakla ako pero when I commit myself when I say I love you I devout my whole being. Nasabi ko kay chonut I envy him referring to his bf. But when he finally give in and gave his blog site na sad ako. For myself for his bf and for him. For me coz idealistic ako madalas. Kaya pag may crush ako and super like ko kinakaibigan ko para malaman ko yun panget nyang side until I fall out of interest. For his bf, unknowing innocent victim. He does not know what’s happening when he is not around, I feet what must he felt when I finds out. Ayoko ng pakiramdam na ganun. Pinagsinungalingan! For chonut. Outright I don’t agree with the caption or what you call the headline. Ang bawat piraso ng aking pagkatao is being described sa blog. Di baboy si chonut. Di sya ganun. Nakita ko na yun nakaraan at yun batang sya. Yun times na struggling sila sa buhay, yun pan desal wrapper. Yun paliligo sa bahang galling sa bundok ng angono. Malayo sa blog. Malayo sa pag sasaad nyan kung ang tunay na sya, isang alipin ng kamundohan. Muli di ako malinis. Marumi. Mababa. I might be saying this coz I felt something for chonut.
At one point in my thinking session gusto sumigaw. Coz nararamdaman ko yun sakit na mararamdaman ni bf nya. Masakit mapagsinungalingan. Maliban na lamang na may ginagawa rin sya sa likod ni chonut.
Lumaki akong ganito. Lumaking tingin sa bawat relasyon ay tulad sa isang mag asawang kasal at may basbas ng simbahan. Tunay at totoo ang pag mamahal o pag iibigan sa isat isa. Isa para sa isa. Ang sarap at hirap ng buhay ay pinag sasaluhan. Ang luha at tawa ay hati. Ang libog at pagnanasa ay para lamang sa iyong kabiyak. Ang pagtatalik ay para lang sa iyong sinasabihan “iniibig kita ng buo kong pagkatao at kaluluwa”. Drama ko di ba. Pinapatay na ata ang mga tulad ko?
Teka malalim na ang gabi. Bangag naman ako sa opisina nito.
Tutuloy ko nalang pag may time na ako.
Sana kaya kong umiwas kay chonut. Sana di ako matinag sa posisyon kong umiwas. Nanghihina kasi ako pag malapit sya. Nawawala ang bayag ko. nawawala ako sa sarili.

No comments:

Post a Comment