Tsqre
Guess mo kung saan yan LOL?
Anong bang nagawa kong masamang tinapay at bakit inaabot ako na malas sa pakikibag kaibigan? After about 5 or 6 months of kamusta and exchange of friendly message to this seemingly good guy mukha naman mabait talaga. We finally decided to meet to say hello and put faces to your messages.
Papunta akong gym para magpapawis at magbawas ng sama ng loob both sa katawan at kalooban. Ayan therapeutic na rin ang gym LOL. Umupo muna ako para magpalipas ng oras sa receiving area ng gym para maintay ng text ni chat mate kasi baka dumating eh nasa kainitan na ako ng buhat djahe naman di ba, mawawala yun momentum ko. True enough dumating sya.
Sabi nya sa text madali lang daw sya for me mas maganda kasi I need to work out din. Bumili sya ng gamot sa mercury while me sabon ko sa katawan. Wala akong maisip na ioffer sa kanya kaya inalok ko ng kwe kwek. Para maging ease yun pag uusap naming. Ugaling pinoy ba.. hospitable ako yun hihihih..
Pinainit ko muna yun mga itlog na kakainin naming. Habang nag uusap kami I decided to invite si office mate. Di pa kasi kumakain. Nga pala kilala mo na sya di ba? Nagkikiss kami pero friendship lang daw kami lol. Siguro kakasubo ko lang ng 1 sa 2 itlog na ini order ni kameet ng dumating si Matt (name na ginamit ni officemte, alam ko yun ang name nya sa mga hook ups nya).
Nagtaka lang ako ng biglang nag iba ng kilos si kameet up? Bigla syang lumayo habang mahinhin nyang tinatapos ang kanyang itlog. So after kong kamustahin si officemate kung ok lang sya nilapitan ko si kameet para mag siyasat. Sinabi nya una si Matt yan di ba? Di ko magetz. Actually ng nasa bahay ko lang narealize na si Matt na tinutukoy nya ay si officemate. Hirap akong makakuha ng sagot sa mga tanong ko. Ang nasabi nya ay complicated. Sinundan ko “bakit compliated”. Naiintindihan ko naman sya at naiilang talaga sya. Di na ko nagpilit. I introduce them to each other. I saw the sights both in their eyes. Naiilang din ako. Di ko alam. Alam mo bang para akong bata. Malaki na ako at malaki na rin ang katawan pero bata ang nasa loob ko. Musmos, I hate pero inosente ako sa maraming bagay. Di ko nga nasabi yun name nila kasi iba talaga ang environment. Un comfortable. Tensyonado. Ewan ko. Pero nararamdaman ko.
Nagpaalam si kameet na manuuna na syang umuwi. Pinayagan ko na at nag apologize baka may nagawa akong mali kaya ganun ang naging kilos nya?
Naiwan kami ni officemate. Tulad ng bata nag simula akong matanong. Maraming akong tanong. Pero yun iba I don’t know if acceptable or pude kong itanong. Mahahalata mo kung nag iisip o nahihirapan akong magtanong or magmakipagcommunicate kasi na uutal ako. Utal ako.
Inamin nya at first deny pa sya. Mas malakas ang character ni officemate. Over power ako. He has ways of making the discussion favor him. Marami akong new discoveries. At masakit di ko kaya. Its like facing my past. The history with Chef and Coach and how I became part of their open relationship. Again umiiyak ang bata sa loob ko.. nagsasalita sya nakikinig naman ako pero sa loob nagwawala na ako. Di sa mali sya or kasalanan nya, di ko naman ugaling manisi ngayon. I take responsible for my actions. Maturity yun. By the way 30 na pala ako baka akalain mong nasa early twenties lang ako. We talked about sex, about open mindedness, relationship, my stupidity, my stubbornness, and pangga.
Gusto sumuntok! Sa kanya, sa hangin, sa sarili ko. Inamin ko ule sa kanya kaya ako nasasaktan kasi I still feeling something for him. Gusto ko sanang idetalye yun reasoning nya pero its not my thoughts baka ma miss quote ko lang sya.
Mas mabuti siguro kong gamitin ko na lang ang Merriam Webster dictionary.
Right - being in accordance with what is just, good, or proper
Correct - to alter or adjust so as to bring to some standard or required condition <correct a lens for spherical aberration>
Acceptable - capable or worthy of being accepted <no compromise would be acceptable> acceptable
Naiiyak ako. Teka! Hihinto muna ako.
Nagbreak first break muna ako, office pala ako ngayon. I will try to put in letters officemate’s reasoning para di naman ikaw mabitin.
Sex – pagpaparaos lang. with or without feeling same lang yun. Parang nature na natin yun. Totoo di ba sabi nga ni Abraham Maslow ganun nga.
Relationship – loyal daw sya kay pangga pero di faithful. Teka I quote ko lang ule sa dictionary. Para malinaw. Loyal - : unswerving in allegiance: as a : faithful in allegiance to one's lawful sovereign or government b :faithful to a private person to whom fidelity is due c : faithful to a cause, ideal, custom, institution, or product|| faithful - steadfast in affection or allegiance. Malinaw na. di ba halos parehas.
Pangga – term to na gamit ng mga kapampangan. Endearment ba. I don’t know if both of them agreed of the set up. Somehow open relationship. I quote officemate “pangga parehas tayong lalaki, kaya kung gagawa ka ng kalokohan wag mo lang papaalam, kasi hihiwalayan kita.” Noon sinabi nya yun gusto sumigaw. Gusto kong magpasagasa sa bus ng G liner na dumaan sa harapan naming.
Ito ang malupet. Open minded - Receptive to new and different ideas or the opinions of others. Dapat ganito lahat. I agree, whole heartedly. Pero with the premise of the upper mentioned statements, do you?
Pag may mga bago, difficult to digest or anything that is above normal should we always be open minded? Again with respect to above mentioned conditions.
Know what happened that evening. Natural umuwi ako sa bahay. Alone sa apartment. I slapped my face countless times para maramdaman ko yun sakit. Feeling ko manhid ako sa narinig ko at sa past ko with Non.
Habang nagsasalita si officemate parang may matilos na bagay ang humihiwa sa akin. Dahan dahan pero tiyak ng nagsusugat. O pilit nitong binubuksan ang sugat na pilit kong ginamot sa loob ng 4 na buwan. Pag down ako tulad mo rin naghahanap ng kausap, sabi sa English misery loves company. Pag wala akong makausap iinum na lang ako. Sad di ba? Sabi ko rin yan dati eh. Yun mga umiinom ng alak mga duwag, mahina, talunan. Siguro pero di ako mahina. Di ako duwag kasi im facing my problems, talunan di rin kasi im still fighting this fucking life. Umiinom ako to release my emotions. Hoy di ako nagwawala ha… iiyak lang ako at matutulog. Tapos ng bukas ok na ule ako.
Tinawagan ko si Non. Tulad ng dati di nya sinagot yun tawag ko. I made a false account to contact Ivan. I need to correct what was instilled in his mind and heart. Ang alam nya nicontrol ko lang sya. Parang manikang de susi, na talagang tinututulan ko. We exchange messages me with false identity. At the later part of the conversation I asked Ivan to close his eyes, wrap his arms around him, kiss the air coz I will hug and kiss him. At that time I can’t lie no more, I let him know me by reminding of the bimpo. Kasi yun ang una kong nicheck pag makikita kami kung basa likod nya hihihi. Di sya nagalit sa akin for making the false account. Sabi nya he trusts me though di nya ako kilala, I asked bakit intuition daw. May pakamanghuhula yun batang yun eh.
Nagpuyat akong kakachat kay Ivan at sa kung anu anong bagay na makakalikod ko sa paligid ko. Gusto kalimutan yun mga sinabi ni officemate. One thing though is sure. Matigas ang ulo ko to accept changes. Pero what kind of changes ba? i know bakla ako pero from may grade school and tingin ko sa relasyon ay tulad ng sa lalaki sa babae. babae sa babae o sa mga tulad ko. Isa sa isa. Di isa sa lahat puta!!!
Tulad ng dati nakatulong ule ang pagsusulat para malinawan ang utak ko. At lubos nailabas ang mga nilalaman ng puso ko na di kayang banggitin ng mga labi ko.